« MY SIXTEENTH: COULD IT REALLY BE SWEET? | Main | namimiss kita. »

box office dapat dude :)

matagal-tagal ding hindi na-update ang website natin because naging busy ang moderator. kayo rin naman eh. aminin.

anyway, ang dami nang nangyari sa atin. in fact, GRADUATE NA TAYO NG HAYSKUL!

(*cheers*)

at ayun. nakarating na tayo sa dulo. ang tanong, saan na tayo papunta?

ayaw ko sanang gawing madrama itong blog na ito, pero hindi kc natin maiiwasan eh. sabihin nalang nating isa itong speech. valedictory speech. impormal at tagalog nga lang. (Naalala ko tuloy ang speech ko)

siguro, halos lahat sa atin ngayon, mayroon ng papasukan sa kolehiyo. may kanya-kanya na tayong buhay na gagalawan. aminin man natin at hindi, sa mga susunod na taon ay mabubuhay na tayo ng kanya-kanya. magkakaroon na tayo ng bagong istorya sa buhay natin. bagong iskwelahan, bagong pinag-aaralan, bagong kaibigan - bago lahat. pero sa aminin din natin at hindi, babalikan at babalikan pa rin natin yung samahang nagpaluha at nagpatawa sa atin - DJAMONDZ...

(*drama? drama? drama?*)

natatandaan niyo ba yung speech ng valedictorian natin? doon sa mga nakarinig, ano ang natandaan at tumatak sa mga isip niyo? (Maliban po dun sa "...may i request my parents to stand...mama and papa...thank...huhuhu...")

MAY WE ALL CONTINUE THE ANIMO OF WHAT IT REALLY MEANS TO BE CALLED A DIAMOND.

(Ung sa salutatorian naman, baka magtampo)

STRIVE FOR EXCELLENCE!

sinabi iyan sa speech. sana palagi nating tandaan iyan. siguro, mabigat ung meaning. pero kaya natin iyan basta magtiwala lang tayo sa kaya nating gawin. para maging proud ang ti-en-eych-es sa atin. kung isa ka naman sa mga masama ang loob sa iskwelahan natin, isipin mo nalang na pangganti mo ito. sabi nga nila, "Success is the sweetest revenge."

humahaba na. pero sana may effect naman pagkatapos mong basahin ito. i hope hindi nasayang yung calories na binurn mo sa pagbabasa nito. sana, pagdating ng takdang panahon, kapag babalikan mo ang website natin, masasabi mo,

"Ay! Tama pala yung nabasa ko! Buti nalang magaling yung moderator ng site namin." (*jowk*)

ibig kong sabihin, mapapatunayan tlga natin ang lahat pagkatapos ng bagong pelikulang pagbibidahan natin. after 4 or 5 years, box office sana ang peikula mo, dude!

*tr30/62_therainmaker*

                            

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .